SERYE NG MGA WEBINAR PARA SA UPRHS BUWAN NG WIKA 2020
- Samahang Diwa at Panitik
- Aug 6, 2020
- 2 min read
“Wikang Filipino Tungo sa Pagkakaisa, Pagtatanggol, at Pagpapagaling ng Bayan”
Dulot ng pandemyang COVID-19, nagsara ang mga paaralan at ipinagbawal ang malalaking pagtitipon. Kaya naman, kinakailangang umangkop ng mga institusyong pang-akademiko sa mga pagbabago upang makapaghatid pa rin ng kaalaman sa kanilang mga mag-aaral at gayundin sa publiko lalo na sa panahong pinakakailangan ito. Bilang pakikiisa sa Buwan ng (mga) Wika 2020, ginamit ng UPRHS Departamento ng Filipino ang temang inilatag ng UP Sentro ng Wikang Filipino habang kinikilala ang temang inilabas ng Komisyon sa Wikang Filipino. Kaugnay nito, maglulunsad ang Departamento ng serye ng mga webinar na may mga paksang tatalakay sa papel ng wika at panitikang Filipino tungo sa pagkakaisa, pagtatanggol, at pagpapagaling ng bayan lalo na sa panahon ng pandemya.

Webinar para sa mga mag-aaral ng JHS Paksa: “Panitikang Filipino sa Panahon ng Pandemya” Tagapagsalita: Dr. Edgar C. Samar, Ateneo de Manila University Petsa at Oras: Agosto 7, 3:00-5:00 n.h.

Webinar para sa mga mag-aaral ng SHS Paksa: “Wikang Filipino at Pagpapagaling ng Bayan” Tagapagsalita: Dr. Michael Francis Andrada, UP Sentro ng Wikang Filipino Petsa at Oras: Agosto 14, 3:00-5:00 n.h.

Webinar para sa mga Guro ng Filipino at iba pang kaugnay na larang Paksa: “Musikang Makabayan Bilang Lunsaran ng mga Isyung Panlipunan sa Panahon ng Pandemya” Tagapagsalita: Dr. Joel C. Malabanan, Pamantasang Normal ng Pilipinas Petsa at Oras: Agosto 20, 3:00-5:00 n.h.
Makatatanggap ng e-sertipiko ang mga kalahok pagkatapos sagutan ang evaluation form na ibibigay sa pagtatapos ng bawat panayam. Ipapadala ang sertipiko sa email na ginamit sa rehistrasyon.
Bagaman may target na tagapakinig ang bawat webinar, bukas ito sa panonood ng lahat. Antabayanan ang proseso ng rehistrasyon (para sa mga mag-aaral at mga guro) at links para sa livestreaming. Maaari po kayong magtanong sa pamamagitan ng aming official FB page at Twitter account.
Comments