TUNGKOL SA SDP
Ang Samahang Diwa at Panitik (SDP) ang itinuturing na pinakamatandang organisasyong pangmag-aaral sa Mataas na Paaralang Rural ng Unibersidad ng Pilipinas (UPRHS). Nakatuon ang SDP sa paglinang sa tatlong pangunahing kasanayan ng mga kasapi at iba pang mag-aaral ng paaralan: pagsulat, pagbigkas, at pagdula. Bilang isang organisasyon, hinahasa nito ang mga mag-aaral sa pagtugon sa iba’t ibang gawaing pangwika, pampanitikan, at pangkultura tungo sa kritikal na kamalayan at panlipunang pagkilos.
MISYON
Hinahangad ng Samahang Diwa at Panitik na malinang sa mga kasapi at iba pang mag-aaral ang sumusunod:
1. kaalaman at kasanayan sa wika at panitikan
2. pamumunong may integridad, paninindigan, malasakit, paggalang, at may pagkiling sa kapakanan ng higit na nakararami
3. maayos na organisasyon ng mga gawain at programang pangwika, pampanitikan, at pangkultura
4. pagpapahalaga sa Filipinong identidad at kultura, at
5. kamalayan at kritikal na paninindigan sa mga isyu at usaping pangwika, pampanitikan, pangkultura, at pambansa
BISYON
Ang Samahang Diwa at Panitik ay magsisilbing daluyan ng kamalayan at kritikal na pagpapahalaga sa wika, panitikan, kultura, at lipunang Filipino tungo sa panlipunang pagkilos ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralang Rural ng Unibersidad ng Pilipinas.