MGA BIRTWAL NA PATIMPALAK PARA SA #UPRHSBNW2020
- Samahang Diwa at Panitik

- Aug 6, 2020
- 3 min read

Ang DaliTxt at TweeTanaga ay birtwal na mga patimpalak na pinapamahalaan ng Departamento ng Filipino ng UPRHS na bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa panahon ng pandemya. Hinihikayat ng mga gawaing ito na makibahagi ang mga mag-aaral sa patuloy na pagpapahalaga at paggamit ng wikang Filipino at mga wika sa bansa sa pagsusuri at kritisismong panlipunan na may ka sa iba’t ibang anyo at pagkakataon lalo na sa panahon ng rebolusyong teknolohikal at iba’t ibang mukha ng krisis panlipunan.

Bigyan ng load! Upod na ba ang daliri mo kakapindot o kate-text? Sabihin mo, “Salamat, FilDept.” Nalalapit na ang online classes kaya naman mapapa-thank you ka na lang kapag pinalad na magwagi sa mga birtwal na patimpalak hatid ng UPRHS Departamento ng Filipino. Libreng load ba kamo? Flashdrive at aklat? Paano makatatanggap? Madali lang mga ka-tutok-to-win!
Ang patimpalak sa pagsulat ng DaliTxt ay bukas sa lahat ng mga mag-aaral ng JHS at SHS ng UPRHS.
Ang dalit ay maaaring isulat sa alinmang wika ng Pilipinas, maglakip ng salin sa Filipino.
Ang mungkahing paksa ng mga isusulat na dalit ay dapat may kinalaman o kaugnayan sa kasalukuyang mga isyung panlipunan tulad ng krisis pangkalusugan at pang-ekonomiya, paglabag sa mga karapatang pantao (Anti-Terrorism Law, EJK at kawalan ng kalayaan sa pamamahayag), kalagayan ng mga frontliners, new normal sa sektor ng edukasyon at/o mga sariling danas sa panahon ng community quarantine.
Tiyakin na may karaniwang tugma (rhyme) ang ipadadala na dalit.
Sa pagsulat ng dalit, wawaluhin (8) ang bilang ng pantig (syllables) ng bawat taludtod (lines). Binubuo ng apat na taludtod ang isang saknong (stanza). Isa hanggang dalawang saknong lamang ang maaaring ipadala sa pamamagitan ng text messaging. Huwag kalimutan ang pangalan at kasalukuyang baitang at seksyon sa ibaba ng inyong ipadadalang dalit. Ipadala ang mga lahok sa numerong 09532431700.
Ang huling araw ng pagpapadala ng DaliTxt ay Agosto 20, 2020 ng hatinggabi (11:59PM).
Ang mapipiling limang pinakamahusay at makabuluhang DaliTxt ay ipapaskil ng Samahang Diwa at Panitik FB page at twitter account para sa magaganap na botohan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng love/like na 10% ng kabuoang puntos/marka.
Pamantayan at panukatan sa pagmamarka:
Mensahe at kaugnayan sa paksa 40%
Istilo, pananalita at kariktan 30%
Orihinalidad 10%
Aspektong teknikal 10%
Hikayat sa madla (Botohan) 10%
Kabuoan: 100%
Ang pag-aanunsyo ng mga nagsipagwagi ay magaganap sa pangwakas na online na programa para sa Buwan ng Wika 2020.
Ang mga magwawagi ay makatatanggap ng e-sertipiko at mga sumusunod:
Unang Gantimpala: 500 load via Gcash at flashdrive
Ikalawang Gantimpala: 300 load via Gcash at aklat
Ikatlong Gantimpala: 200 load via Gcash
Ang desisyon ng mga hurado ay pinal na at ‘di mapasusubalian.

Bigyan ng load! Laman ka ba ng twitter? Sabihin mo, “Salamat, FilDept.” Nalalapit na ang online classes kaya naman mapapa-thank you ka na lang kapag pinalad na magwagi sa mga birtwal na patimpalak hatid ng UPRHS Departamento ng Filipino. Libreng load ba kamo? Flashdrive at aklat? Paano makatatanggap? Madali lang mga ka-tweet-to-win!
Ang mga patimpalak sa pagsulat ng TweeTanaga ay bukas sa lahat ng mga mag-aaral ng JHS at SHS ng UPRHS.
Ang tanaga ay maaaring isulat sa alinmang wika ng Pilipinas, maglakip ng salin sa Filipino. Ilagay ang salin sa reply thread.
Ang mungkahing paksa ng mga isusulat na tanaga ay dapat may kinalaman o kaugnayan sa kasalukuyang mga isyung panlipunan tulad ng krisis pangkalusugan at pang-ekonomiya, paglabag sa mga karapatang pantao (Anti-Terrorism Law, EJK at kawalan ng kalayaan sa pamamahayag), kalagayan ng mga frontliners, new normal sa sektor ng edukasyon at/o mga sariling danas sa panahon ng community quarantine.
Tiyakin na may karaniwang tugma (rhyme) ang itu-tweet na tanaga.
Sa pagsulat tanaga, pipituhin (7) ang bilang ng pantig (syllables) ng bawat taludtod (lines). Binubuo ng apat na taludtod ang isang saknong (stanza). Isang saknong lamang ang maaaring i-tweet na may hashtags (#) na: #RuralTweeTanaga #RuralBNW2020 #SalamatFilDep
Ang huling araw ng Pagtu-teet ng TweeTanaga ay Agosto 20, 2020 ng hatinggabi (11:59PM).
Ang mapipiling limang pinakamahusay at makabuluhang Tweetanaga ay ipapaskil ng Samahang Diwa at Panitik FB page at twitter account para sa magaganap na botohan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng love/like na 10% ng kabuoang puntos/marka.
Pamantayan at panukatan sa pagmamarka:
Mensahe at kaugnayan sa paksa 40%
Istilo, pananalita at kariktan 30%
Orihinalidad 10%
Aspektong teknikal 10%
Hikayat sa madla (Botohan) 10%
Kabuoan: 100%
Ang pag-aanunsyo ng mga nagsipagwagi ay magaganap sa pangwakas na online na programa para sa Buwan ng Wika 2020.
Ang mga magwawagi ay makatatanggap ng e-sertipiko at mga sumusunod:
Unang Gantimpala 500 load via Gcash at flashdrive
Ikalawang Gantimpala 300 load via Gcash at aklat
Ikatlong Gantimpala 200 load via Gcash
Ang desisyon ng mga hurado ay pinal na at ‘di mapasusubalian.
Para sa mga karagdagang impormasyon at gabay sa pagsulat ng tanaga, maaaring bisitahin ang link na ito: https://dakilapinoy.com/2008/08/17/ang-pormula-ng-tanaga-at-dalit/



Comments