top of page

Gabay sa Netiquette

  • Writer: Samahang Diwa at Panitik
    Samahang Diwa at Panitik
  • Aug 6, 2020
  • 2 min read

Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan, mag-aaral man o guro, sa tuwing nakikibahagi sa online discussions. Ang nilalaman ay mula sa "What is netiquette and why is it important in online courses" ng Salt Lake Community College.

Makibahagi.

Ang World Wide Web ay isang shared learning environment. Hinihikayat ang pakikibahagi at hindi ka lang dapat masapatan sa panonood at pakikinig lamang sa talakayan. Hindi sapat ang pagla-log in lamang at pagbabasa ng discussion thread ng iba. Para sa kapakinabangan ng lahat, dapat ay marunong kang magbahagi.


Iwasan ang pag-uulit.

Basahing mabuti ang nasa comment o discussion thread bago ka mag-post. Makatutulong ito upang maiwasan ang pag-uulit ng isang bagay na binanggit o naibahagi na. Kilalanin ang mga puntong sumasang-ayon ka at magmungkahi ng alternatibo sa mga puntong hindi mo sinasang-ayunan.


Gumamit ng angkop na wika.

May hinihinging angkop na wika ang pakikipag-ugnayan sa isang academic setting. Magkomento at mag-post na para bang nagsusulat ka pa rin sa loob ng klase. Maging malay sa tamang gramatika. Iwasan ang mga salitang makasasakit ng damdamin ng iba; bagkus, gawin itong constructive. Huwag ding gagamit ng malalaking titik kung hindi kinakailangan. Sa Internet, nangangahulugan ito ng pagsigaw.


Kilalanin ang pinagkuhanan.

Huwag na huwag makalimot sa pagkilala sa mga pinagkuhanan mo ng impormasyon. Dapat mong bigyan ng wastong attribution ang mga bagay na hinango mo mula sa aklat, pahayagan, magasin, at iba pa.


Igalang ang pagkakaiba-iba.

Iba-iba ang ating pinagmulan kaya may kanya-kanya tayong pagsipat sa mga bagay sa ating paligid. Ang mga komentong lantad o hindi lantad na nagpapakita ng racism at sexism ay hindi katanggap-tanggap gayundin ang mga derogatory na pahayag na nakadirekta sa pananampalataya, disabilidad, at edad ng iyong kapwa. Unawain na mayroon tayong iba-ibang pagtingin sa mundo.


Pag-isipang mabuti ang sasabihin.

Tulad ng pamoso nang linya: think before you click. Maging mapagbantay sa lahat ng iyong sasabihin. Mahirap nang mabawi ang isang bagay kapag nai-post na ito. Tiyakin na nasabi mo nang malinaw ang gusto mong sabihin.


Sanggunian:


"What is netiquette and why is it important in online courses." Salt Lake Community College, 20 Nobyembre 2019, https://slcconline.helpdocs.com/instructional-best-practices/what-is-netiquette-and-why-is-it-important-in-online-courses. Naakses noong 5 Agosto 2020.



Recent Posts

See All

Comentarios


Post: Blog2 Post

UP Rural High School, Brgy. Paciano Rizal, Bay, Laguna, Philippines

  • Facebook
  • Twitter

©2020 ng Samahang Diwa at Panitik.

bottom of page